Posted by: empowerconsumers | September 10, 2009

Mensahe at pagpupugay ng FDC sa lahat ng kasapi ng EmPOWER Consumers

Mensahe para sa ika-2 General Assembly ng EmPOWER Consumers
September 5, 2009, Quezon City
Loretta Ann P. Rosales
Vice President, Freedom from Debt Coalition

Isang mainit na pagbati sa lahat ng kasapi ng EmPOWER Consumers!

Ang pagtitipon na ito ay lubhang napapanahon bunga na rin ng patuloy na walang-patid na pagtaas ng presyo ng kuryente mula sa kaliwa’t kanan na mga petisyon sa Energy Regulatory Commission. Alam natin na hindi lamang sa generation sector nagmumula ang mga aplikasyon sapagkat nariyan rin ang mga distribution utilities, transmission charge at ang bagong supply sector mula sa tinatawag na Wholesale Electricity Market o WESM na sampung porsyento na ating binabayarn mula sa generation charge. Sa pangkalahatan, ito ang mga bumubuo sa ating hinarap na hamon mula ng itayo natin ang EmPOWER Consumers noong Oktubre 1, 2007. Ilan sa mga tampok na isyu ng kuryente sa kasalukuyan ay tatalakayin ng ating mga tagapagsalita sa hapong ito.

Ganumpaman, ang ipinakikita nating kapasyahan na sumulong sa gitna ng napakaraming usapin sa industriya ng kuryente, pati na rin ang mga pagsusumikap na unawain ang kumplikadong mga usapin tulad ng mga teknikal at pinansyal na isyu mula sa ibat ibang petisyon, ay isang malaking inspirasyon sa milyon-milyong Pilipino na patuloy na lumalaban at pumapasan sa pabigat na mataas na presyo ng kuryente.

Ang Freedom from Debt Coalition, ay kaisa ninyo sa layunin magamit ang makatwirang bayarin sa singil ng kuryente at maging sa layunin na pagbabago sa ating pambansang mga polisiya. Pangunahing adbokasiya ng FDC kaugnay sa mataas na presyo ng kuryente ay ang panlipunan suliranin natin sa utang, na isa sa mayor na paliwanag kung bakit mataas ang ating mga binabayaran sa kuryente.

Sa puntong ito, nais kong bigyang pagpupugay ang lahat ng mga kasapi ng EmPOWER consumers sa layunin nito na pagkaisahan at tipunin ang malawak na bilang ng mga konsyumer upang sama-samang harapin ang hamon upang ibsan ang patuloy na paghihirap mula sa suliranin na ito.

Magandang hapon at mabuhay kayong lahat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: